Last Sunday ang daming nangyari. :”> Hahaha! E kasi House blessing ng bahay ng Tita ko, despidida ng dalawa kong Tita pati yung Nanay ko tsaka parang reunion na din ng Carlon Family. :D
So, ayun na nga nag start yung umaga ko ng maganda, good vibes all the way! :D Lalo na’t Sunday pa naman. Oras ko din para kay God. Nakasama ko sa pag simba yung Best friend kong si Lorenzo at inimbitahan siya dun sa bahay ng Tita ko. Kasi hinanap siya sa akin ng Nanay ko e. Edi pinapunta ko. :”“”> Tapos nakilala siya lahat ng tao dun, Nakilala niya lahat ng pinsan ko, tita ko, tito ko, friends ng Nanay ko, LAHAT. Naka one-on-one na naman ni Lorenzo yung Step Tatay ko tsaka Nanay ko sa inuman na naman. -_____- IMBA! Hanggang sa anong oras na siya sila natapos, e late na so sinabi ko sa Nanay ko na baka wala na siyang masakyan sa pag-uwi niya. Kaya sabi ng Nanay ko na matulog na lang daw siya sa bahay. :”> OMAYGAD! Ansaya ko lang, pero hindi po kami tabi ha! OA naman yun! Hahaha. Masaya lang ako kasi ramdam ko na tanggap na tanggap na siya ng Nanay ko tapos okay na lahat.
Kinabukasan, pupunta kami sa bagong Dentist namin, sinabay namin siya sa sasakyan tapos sa SM na lang siya sasakay ng FX para diretso na siya pauwi. E kaso biglaang nagtext yung Dentist namin na dumaan daw muna kami dun, e sa E.rod pa yun, biglaang napasama sa amin si Lorenzo. =)) Nanay ko na nagsabi na isama siya. ANO? Tropa lang sila? Hahaha! Tapos hanggang sa kumain kami, nagpa-dentist, muntikan pa akong mahimatay, nag punta sa parlor, naag-asaran sa sasakyan. In short buong araw lang naman kami magkasama. Masaya lang ako kasi dati napag-usapan lang namin na sana magkasama kami ng isang buong araw. Mygaaaad, nangyari agad agad? Hahaha! :”>
Sana lang magpatuloy yung kasiyahan ko. Kahit babalik na ulit Nanay ko sa Saudi. :| Keri yan! Babalik naman siya sa Decmeber para sa debut niya e. AYY! Debut ko pala. HAHAHA!








